Lunes, Setyembre 10, 2012

Ang Nakaraan by: Jessa Mae Santos


Ang Nakaraan

Sa loob ng isang masikip at tahimik na silid, ako ay nakaramdam ng di pangkaraniwan. Tila ako’y nawawala sa sarili at punong puno ng pangamba. Ang aking mga mata, malabo, madilim na katumbas ng sa isang bulag, ang aking mga paa, nanginginig at para bang ito’y matagal na nababad sa isang drum na malamig na tubig. Ang aking mga labi, nangingital, nanunuyo na  para bang di nadampian ng tubig sa matagal ng panahon. Tahimik ang lugar, walang ingay, ni walang maririnig na kahit anong tunog. Sa isang sulok ng madilim na silid na aking kinaroroonan, biglang may nagliwanag, tila isang maliwanag na tala na sa akin ay sumilaw, hindi ko na matiis, ako’y nag-isip. Nasa langit na ba ako o sa madaling salita, ako ba’y isa nang patay?
Biglang nagsariwa sa aking isipan ang isang alaala na para sa akin ay matagal nang nalibing sa libingan ng nakaraan. Ito ay tungkol sa isang tao na minsan nang pinagkaitan ng kaligayahan at nilugmok sa isang matinding pagdurusa. Isang lalaking noong dakong una ay hindi nawalan ng pag-asa, isang lalaki na mapait ang karanasan sa buhay dulot ng brain cancer.
Matagal tagal na ring panahon ang nakalipas, ngunit naging permanente sa aking isipan ang mga pangyayaring ito. Isang lalaki ang aking nakilala, hindi kainaman ngunit may maipagmamalaki rin naman. Hindi sa panlabas na kaanyuan ngunit sa loob at intelektwal na taglay. Isang simpleng tao na ang nais lamang ay ang makatulong at mapaunlad ang pamilya. Di maitatangging, isa siyang marangal na indibidwal.
Nagsimulang magbago ang kanyang mga pananaw. Nang malaman niyang siya’y bilanggo ng isang karamdaman. Nagbago ang pakikitungo at personalidad. Naging tahimik, pikunin at walang pakialam.
Sa araw araw na ginawa ng Poong Maykapal, wala siyang ginawa kundi magbasa, pahayagan, magazines at iba pa, basta sa paraang malilibang siya. Di na s’ya nagtrabaho at nagkulong sa bahay, tanging ang kanyang pamilya ang kangyang nakasama. Hindi na niya inisip ang kanyang paggaling dahil sa kanyang kaalaman, wala siyang sapat na pera upang masolusyunan pa ang kanyang problema. Isang araw, naiwan ng kanyang ama ang isang babasahin sa ibabaw ng lamesita kung saan naroroon ang mga pahayagan, nakita niya ito at kanyang binuklat. Isang kwento ng buhay tungkol sa mapait na karanasan na halos pareho ng sa kanya. “The Last Leaf” ang pamagat ng istorya, naakit sya rito at kanyang binasa. Bago pa man nya itiklop ang pahina ng aklat, may tumulo ng luha sa kanyang mga mata. Marahil tama ang kanyang hinala, na parehas na parehas ng kanyang karanasan ang nabasa niya.
Simula ng araw na ‘yon siya’y sumigla, siya’y nanalig sa Poong Lumikha. Ang libro’y nagdulot ng isang magandang bunga. Nang mga araw din iyong siya’y nag-iba, nagbalik sa dati ang kanyang pananaw, inisip niya na walang imposibleng bagay, lalo pa’t habang mayroon ka pang natitirang hininga. Pagiging positibo ang kanyang naging kanyang medesina, hanggang sa siya’y tuluyan ng gumaling sa matagl na panahong pagkakabilanggo. Siya’y nagsimulang muli at muling bumangon sa pagkakalugmok.
Sa kanyang pagsisimulang muli, siya’y may ipinagbago. Hindi lang naging aktibo sa kanyang pagtratrabaho, kundi naging isa na rin sa maraming Filipino na nagbubuhos ng panahon sa mga kampanya laban sa cancer. Naniniwala siya na ang mga karamdaman sa ating buhay ay may kanya-kanyang lunas na dapat nating matagpuan. Hindi siya naniniwala sa kawalan ng pag-asa dahil alam niya, at naranasan na niya, na ang pagiging positibo at pananalig ay hindi lang nagpapagaling sa may sakit kundi nagpapabago rin ng paniniwala, pananaw at direksyon ng buhay. Siya ang lalaking matagal ko nang kilala, hindi isang kaibigan, hindi isang kapamilya, kundi isang tao na nagpapakilala sa aking pagkatao. Ako ang taong ito, na naghikahos upang muling  makabangon. Hindi ako naniniwala na sa yaman, mansyon o pag-aari ang masusukat ang ating tagumpay, ngunit sa simpleng pagkamit natin ng ating buhay. Ang mga salitang nasabi ko sa unang talata, ay ang mga pagdurusa na aking dinanas.  Oo, hindi naman ako yumaman ngunit para sa akin, ang maging survivor ng isang malubhang karamdaman ay ako na ang pinakamatagumpay na tao sa mundong ibabaw.



Lunes, Setyembre 3, 2012

Life is a Ball: With God, it keeps rolling.



                            Life is a Ball: With God, it keeps rolling.

           Life is the most beautiful gift from God. It is a journey that gives you challenges, turmoils, happiness, laughter, tears, and anything that can make it colorful and beautiful. Life laughs at you  when you are unhappy. Life is really unpredictable. Some things can happen in your life but also, some things just could not. Life will never be as perfect as it is without 3 things; 1. Faith, 2. Action & 3. Happiness.

           Since some time, we experience little shortcomings in our life and we're just like losing our hopes, we often lose our faith too. We think negatively in where we forget that still, beside us is our creator, our God who can do everything even those we think are impossible. We just have to stay strong and keep our faiths so that we can think and act positively to find the ways in solving every problems that we used to encounter. After accomplishing everything, we will feel at last, the feeling of being happy. Some people say, life is not complete without happiness, which is very true. After achieving and overcoming life's challenges, there's nothing else to feel but happiness and completeness.

     "Life is like a ball, the deeper you fall, the higher you bounce. So when you feel you are at the lowest, remember you are going to bounce back higher"